Iaalay ko ang aking kanang braso upang magamit ang parehong kamay.
Kapag nakakita ka ng dalawang landas, kunin mo.
Marami kang mapapansin sa pamamagitan lamang ng pagmamasid.
Wala nang nagtutungo roon. Masyado nang matao.
Hindi ako makapokus kapag nag-iisip
Ang hinaharap ay hindi na tulad ng dati
Hindi ko ibibili ang mga anak ko ng encyclopedia. Hayaan na silang pumasok sa paaralan tulad ko
Nawawala tayo, pero nagsasaya naman.
Kalahati ng mga kasinungalingang sinasabi nila tungkol sa akin ay hindi totoo
Ang singko ay hindi na kasinghalaga ng diyes.
Iyon ay deja-vu na naman.
Hindi pa iyon tapos hangga't tapos na talaga
Gng. Lindsay: "Hanep ka talaga." Yogi Berra: "Salamat, di ka naman masyadong kaaya-aya."
Kung perpekto lamang ang mundo, hindi ito maaari.
| Entry #12292
Finalist |
Ibibigay ko ang aking kanang kamay upang maging mahusay ang aking mga kamay.
Kapag nakakita ka ng tinidor sa daan, kunin mo.
Marami kang maoobserbahan sa panonood lamang.
Wala nang pumupunta doon, masyado nang masikip.
Hindi ako makapag-isip mabuti kapag ako'y nag-iisip.
Ang hinaharap ay hindi tulad ng dati.
Hindi ko bibilhan ng ensiklopedya ang aking mga anak. Hahayaan ko silang maglakad papuntang eskwelahan tulad ng aking ginawa.
Nawawala tayo, pero tayo ay nakakagawa ng magandang oras.
Kalahati ng mga kasinungalingan na sinasabi nila tungkol sa akin ay hindi totoo.
Ang isang nikel ay hindi na katumbas ngayon ng sampung sentimo.
Parang deja-vu na naman ulit.
Hindi pa tapos hanggang hindi pa ito natatapos.
Ginang Lindsay: "Paniguradong ika'y nagmumukhang cool!" Yogi Berra:"Salamat, hindi ka rin naman masyadong Hot!."
Kung ang mundo ay perpekto, hindi ito magiging perpekto.
| Entry #12265
Finalist |
Ibibigay ko ang aking kanang braso para maging bihasa sa paggamit ng magkabilang kamay.
Kapag nakarating ka sa isang sangang-daan, tuntunin mo iyon.
Marami kang mamamasdan sa pamamagitan lamang ng panonood.
Wala nang pumupunta doon ngayon. Masyado na iyong matao.
Hindi ko maibuhos ang aking buong atensiyon kapag ako ay nag-iisip.
Ang bukas ay hindi na kagaya ng dati.
Hindi ko ibibili ng encyclopedia ang aking mga anak. Hayaan mo silang maglakad papuntang paaralan kagaya ng ginawa ko.
Nawawala tayo/kami, pero napapabilis naman ang ating/aming paglalakbay.
Ang kalahati ng mga kasinungalingang sinasabi nila tungkol sa akin ay hindi totoo.
Ang limang sentimo ay hindi na kasing-halaga ng sampung sentimo ngayon.
Para iyong "deja-vu," na naulit muli.
Hindi pa iyon tapos hanggang hindi pa iyon nagtatapos.
Ginang Lindsay: "Tunay kang kahanga-hanga." | Yogi Berra: "Salamat, ikaw man ay hindi masyadong masama."
Kung ang mundo ay perpekto, hindi magiging ganoon iyon.
| Entry #12425
Finalist |
Ibibigay ko ang kanan kong braso para lang maging kaliwete't kananete.
Kapag nakarating ka sa nagsasangang-daan, lumiko ka doon.
Marami kang maoobserbahan dahil lang sa panonood.
Wala nang pumupunta dyan. Masyadong maraming tao.
Hindi ako makapag-pokus kapag nag-iisip ako.
Ang hinaharap ay hindi na katulad nang dati.
Hindi ko bibilhan nang encyclopedia ang mga anak ko. Hayaan mo silang maglakad papunta sa paaralan katulad nang ginawa ko dati.
Naliligaw na tayo, pero maaga tayong makakarating doon.
Kalahati sa mga kasinungalingan sinasabi nila tungkol sa akin ay hindi totoo.
Ang singko sentavos ay hindi na kasing-halaga nang diyes sentavos.
Para itong deja-vu na naman.
Hindi pa ito tapos hangga't tapos na ito.
Gng. Lindsay: "Talagang mukha kang cool." Yogi Berra: "Salamat, hindi ka rin masyadong mukhang hot."
Kung perpekto ang mundo, hindi na ito perpekto.
| Entry #12355
Finalist |
- "Ibibigay ko ang aking kanang kamay upang maging mahusay sa paggamit ng parehong kamay."
- "Kapag dumating ka sa nagsasangang daan, lakarin iyon."
- "Marami kang mapagmamasdan sa panonood lamang."
- "Wala nang nagtutungo doon. Masyado nang siksikan."
- "Hindi ako makapagtuon ng pansin kapag ako'y nag-iisip."
- "Hindi na gayon ang hinaharap."
- "Hindi ko ibibili ng encyclopedia ang mga anak ko. Hayaan mo silang maglakad patungo sa paaralan gaya ng ginawa ko."
- "Nawawala tayo, ngunit nalilibang naman tayo."
- "Hindi totoo ang kalahati ng mga kasinungalingang sinasabi nila tungkol sa akin."
- "Hindi na kasing halaga ng diyes ang singko ngayon."
- "Parang deja-vu na namang muli."
- "Hindi pa tapos hangga't di pa natatapos."
- Gng. Lindsay: "Ang ganda mo ngayon." Yogi Berra: "Salamat, para ding hindi ka kagandahan ngayon."
- "Kung sakdal ang daigdig, hindi iyon mangyayari."
| Entry #11785
Finalist |