Competition in this pair is now closed. Discussion and feedback about the competition in this language pair may now be provided by visiting the "Discussion & feedback" page for this pair. Entries may also be individually discussed by clicking the "Discuss" link next to any listed entry. Source text in English [...] Translators just didn't get recognition, they didn't expect to make much of a living, just get by. Very few people were actually trained as translators, but most had a solid college education and a solid knowledge of languages, at least their own language. I had a friend who fell exactly into that category and my circle of friends expanded to include other translators. I found them to be much more interesting as people, and discovered that we often had similar life experiences. I never had trouble making friends, but I always felt "different" and I'm sure they felt it too. When my friend retired, she recommended me as her replacement. I now entered the realm of Reinsurance, of which I knew nothing. I was also the only translator there, and didn't have much to fall back on. However, it was another notch up....
On my new job, I started looking through the files, asking questions and got the company to enroll me in Insurance courses. The College of Insurance was across the street, and I consulted fire codes, insurance policies and fire extinguisher catalogs in their library. I was learning what I had never had the luxury of being able to do before: research. The first time I had to translate a proposal for purposes of insurance of a nuclear plant, I got a call from the head man in that department, congratulating me on the job I had done. "Compares favorably with what we are used to," he said. What an upper! What happened was that I consulted a document in the files similar to the one I was tackling for guidance, but when I saw that my predecessor had used the word "nucleus" instead of "core", I realized that the files were useless to me. I went across the street to the library and looked up "nuclear plants." I immediately found all the terminology I needed.
It takes a great deal more than that to be a good translator these days, of course. [...] | Winning entries could not be determined in this language pair.There were 9 entries submitted in this pair during the submission phase, 5 of which were selected by peers to advance to the finals round. Not enough votes were submitted by peers for a winning entry to be determined.
Competition in this pair is now closed. | [...] Ang trabaho ng mga tagasalin ay hindi lang masyadong napapansin. Hindi naman nila inaasahan na kumita ng malaki, kailangan lang nilang makaraos. And totoo, napakakaunting mga tao lang ang natraining bilang mga tagapagsalin, ngunit karamihan sa kanila ay may matatag na edukasyon sa kolehiyo at malalim na kaalaman sa iba't-ibang wika, kalakip na ang kanilang sariling wika. Mayroon akong isang kaibigan na may gayong pagsasanay, edukasyon at kaalaman. Nagkaroon din ako ng iba pang mga kaibigan na mga tagapagsalin din. Nalaman kong mas kawili-wili silang kasama, at natuklasan ko na madalas mayroon kaming magkatulad ng mga karanasan sa buhay. Hindi naman ako nahihirapang makipagkaibigan, ngunit palagi kong nararamdaman na "iba" ako sa kanila at sigurado akong naramdaman din nila ito. Noong nagretiro ang isa kong kaibigan, nirekomenda niya ako bilang kapalit niya. Pumasok na ako ngayon sa larangan ng Reinsurance, na wala akong kaalam-alam. Ako lang din ang nag-iisang tagasalin doon, at wala akong masaydong mapagkukuhanan ng reperensya. Gayunpaman, isa pa rin itong tagumpay.... Sa bago kong trabaho, sinimulan kong tingnan ang mga file, magtanong-tanong at sinuportahan ako ng kumpanya para kumuha ng kurso hinggil sa Insurance. Nasa kabilang kalye ang College of Insurance, at tiningnan ko ang mga code para sa sunog, mga patakaran sa insurance at mga katalogo ng fire extinguisher sa kanilang silid-aklatan. Natututo kong gawin kung ano ang hindi ko pa nagagawa noon: pananaliksik. Sa unang pagkakataon na kinailangan kong isalin ang isang panukala para sa mga layunin ng insurance ng isang plantang nukleyar, nakatanggap ako ng tawag mula sa pinuno ng departamentong iyon, na kinomendahan ako sa trabahong nagawa ko. “Mas mahusay ito kumpara sa mga nakasanayan na namin,” aniya. Talagang nakapagpapasigla ang mga sinabi niya! Ganito ang nangyari, tiningnan ko ang isang dokumento sa mga file na katulad ng isa na aking ginagamit bilang reperensya, ngunit nang makita kong ginamit ng aking hinalinhan ang salitang "nucleus" sa halip na "core", napagtanto ko na ang mga file ay walang silbi sa akin. Nagpunta ako sa kabilang kalye at tumungo sa silid-aklatan. Doon hinanap ko ang terminong "plantang nukleyar." Agad kong nakita ang lahat ng terminolohiya na kailangan ko. Syempre pa, sa panahong ito, nangangailangan ng higit pa kaysa sa ginawa ko upang maging isang mahusay na tagasalin. [...] | Entry #35692 — Discuss 0 — Variant: Not specifiednone
Finalist Voting points | 1st | 2nd | 3rd |
---|
10 | 2 x4 | 1 x2 | 0 |
Rating type | Overall | Quality | Accuracy |
---|
Entry | 3.50 | 3.50 (4 ratings) | 3.50 (4 ratings) |
| Ang mga tagasalin ay hindi nakakakuha ng karapatdapat na pagkilala, hindi nila inaasahang malaki ang kita nila sa ganitong trabaho. Gusto lamang nila na makaraos sa buhay. Kakaunti lamang ang may aktual na pagsasanay para maging tagasalin, ngunit karamihan ay may solidong edukasyon sa kolehiyo at may solidong kaalaman sa mga lenguahe, at sa mismong lenguahe nila. Mayroon akong kaibigan sa kategoryang iyan at ang mga kaibigan kong nakapalibot sa akin ay nagpalawak sa pamamagitan ng pikikipagkaibigan nila sa mga ibang tagasalin. Sila ay mas kawili-wiling mga tao at nalaman ko na halos magkakapareho kami ng karanasan. Hindi ako mahirap kaibiganin, pero lagi kong nararamdamang "kakaiba" ako at siguradong napansin din nila iyong. Noong nagretiro ang kaibigan ko, inirekomenda nia ako bilang kapalit nia. Pumasok na ako sa mundo ng muling Pagpapaseguro, na kung saan ay wala akong kaalam-alam. Tanging ako lamang ang tagasalin doon, at wala akong masyadong masandalan. Gayunpaman, ibinibilang ko itong Isa na namang tagumpay... Sa Bago kong trabaho, sinimulan kong tignan ang mga salansan, tinatanong ko sila at nakuha kong ipatala ako ng kumpanya bilang estudyante sa kurso ng Seguro. Nasa kabilang kalye ang eskuelahang pangkolehiyo ng Seguro, at nagkonsulta ako ng mga kodigo para sa sunog, polisiya ng seguro at mga katalogo para sa mga pamuksa ng apuy sa kanilang silid aklatan. Napagaaralan ko nang gawin ang bagay na di ko nagagawa noon: pagsaliksik. Sa unang pagkakataon ko ng pagsasalin ng panukala para sa layunin ng Seguro ng plantang nukleyar, pinatawag ako ng pangulong tagapangasiwa ng departamentong iyon, at binati ako sa trabahong ginawa ko. "Mas paborable ito kung ikukumpara sa nakasanayan na", sabi nia. Lubhang kasiya-siya! Ang nangyari ay nagkonsulta ako sa Isang dokumento mula sa mga salansan na kapareho ng salansan na gamit ko bilang gabay, ngunit noong nakita ko na ang mga nauna sa akin ay ginamit ang salitang "nucleus" imbes na "core", napagtanto ko na ang mga salansan na ito ay walang silbi sa akin. Pumunta ako sa silid-aklatan na nasa kabilang kalye at tinignan ko ang "mga plantang nukleyar", nahanap ko agad ang mga terminong kailangan ko. Kakailanganin ang mas malawak na kasanayang higit sa dati para maging mahusay na tagasalin sa kaarawan natin ngayun, siempre. | Entry #36140 — Discuss 0 — Variant: Not specifiednone
Finalist Voting points | 1st | 2nd | 3rd |
---|
8 | 1 x4 | 2 x2 | 0 |
Rating type | Overall | Quality | Accuracy |
---|
Entry | 3.38 | 3.25 (4 ratings) | 3.50 (4 ratings) |
| [...] Ang mga tagasalin ay hindi lang nakatatanggap ng pagkilala, hindi sila naghahangad na kumita ng malaki, basta yun makasasapat lang. Iilang tao lang talaga ang nagsanay bilang tagasalin, karamihan ay may matibay na edukasyon sa kolehiyo at may malalim na kaalaman sa wika, kahit sa sariling wika niya man lang. Meron akong kaibigang sasakto sa kategoryang ito at nadagdagan pa ang mga kaibigan kong tagasalin. Natuklasan kong mas nakakatuwa sila bilang mga tao, at natuklasan kong madalas pareho kami ng mga karanasan. Hindi mahirap para sa akin ang makipagkaibigan pero madalas ramdam kong "iba" ako at sigurado akong ganun din ang nararamdaman nila. Nang magretiro ang kaibigan ko, inirekomenda niya akong kahalili. Ngayon napasok ko ang mundo ng Reinsurance, na wala akong kamuwang-muwang. Namumukod akong tasalin doon at wala akong mahihingan ng tulong. Gayunpaman, pag-unlad na rin ito. Sa bago kong trabaho, nagsimula akong magtingin tingin sa mga dokumento, magtanung-tanung at pinag-aral ako ng kumpanya sa mga kurso sa insurance. Ang College is Insurance ay nasa kabila lang ng kalsada, pagkatapos nagkonsulta ako ng mga fire codes, insurance policies at mga catalog ng fire extinguisher sa kanilang aklatan. Natututunan ko ang isang bagay na kailanman ay hindi ko mapaglaanan noon ng panahon, ang magsaliksik. Ang unang pagkakataong kailangan kong magsalin ng isang proposal para sa isang insurance ng isang nuclear plant. Nakatanggap ako ng tawag mula sa pinuno ng department, binabati niya ako sa aking trabaho. "Maikukumpara namin ito sa aming nakasanayan na," aniya. Napakasaya! Ang nangyari ay naghanap ako ng mga kahalintulad na dokumento para maging gabay, pero nang makita kong ang ginamit na salita ng aking pinalitan ay "nucleus" imbes na "core, napagtanto kong walang maitutulong ang mga dokumento sa akin. Pumunta ako sa aklatan sa kabilang kalsada at hinanap ko ang "nuclear plants." Agad agad kong nakita ang mga terminong kakailanganin ko. Syempre, sa panahon ngayon, higit pa rito ang kinakailangan para maging mahusay na tagasalin[...] | Entry #35978 — Discuss 0 — Variant: Not specifiednone
Finalist Voting points | 1st | 2nd | 3rd |
---|
2 | 0 | 0 | 2 x1 |
Rating type | Overall | Quality | Accuracy |
---|
Entry | 3.50 | 3.40 (5 ratings) | 3.60 (5 ratings) |
| [...] Bukod pa sa hindi nakikilala ang mga tagapagsaling-wika, hindi sila umaasang kumita nang malaki. Basta makaraos lang. Iilan lang ang tumanggap ng aktuwal na pagsasanay bilang mga tagapagsaling-wika, pero karamihan sa kanila ay nakatapos sa kolehiyo at may ganap na paggagap sa mga wika, kahit man lang ng sariling wika nila. Nagkaroon ako ng kaibigan na ganoon talaga at dumami pa ang mga kaibigan ko na mga tagasaling-wika. Para sa akin, mas interesante sila bilang mga tao, at natuklasan kong kadalasa'y may magkakapareho kaming mga karanasan sa buhay. Madali sa akin ang makipagkaibigan, pero palagi kong nararamdaman na "naiiba ako" at sigurado akong ganoon din sila. Nang magretiro ang kaibigan ko, nirekomenda niya ako bilang kapalit. Nakapasok na ako ngayon sa mundo ng Reinsurance, na hindi ko gamay. Nag-iisa rin akong tagapagsalin doon, at wala akong masyadong mahihingan ng tulong. Gayunpaman, ibang antas ng usapan iyon... Sa bago kong trabaho, sinimulan kong tingnan ang mga file, nagtanong-tanong ako at nakumbinse ko ang kompanya na i-enrol ako sa mga kursong kaugnay ng Pagpapaseguro. Nasa kabila ng kalye ang Kolehiyo ng Pagpapaseguro, at kinonsulta ko ang mga code na kaugnay ng sunog, mga polisa ng insurance at catalog ng mga pamatay-sunog sa aklatan. Natutunan ko ang bagay na wala akong oras na gawin dati: manaliksik. Nang unang beses na kailangan kong magsalin ng proposal para sa mga layon ng insurance ng plantang nukleyar, nakatanggap ako ng tawag sa pinuno ng kagawarang iyon. Binabati niya ako sa trabahong ginawa ko. "Mainam na katulad ng nakasanayan namin," aniya. Nakakatuwa iyon! Ganito ang nangyari: kinonsulta ko ang dokumento sa mga file na kagaya ng isinasalin ko para magsilbing gabay, pero nang makita kong ginamit ng mga nauna sa akin ang "nucleus" sa halip na "core", napagtanto kong hindi ko magagamit ang mga file. Pumunta ako sa aklatan sa kabila ng kalye at hinanap ang "nuclear plants." Kaagad kong nahanap ang salitang kailangan ko. Siyempre, higit pa roon ang kinakailangan para maging mahusay na tagapagsaling-wika sa mga panahong ito. [...] | Entry #36142 — Discuss 0 — Variant: Not specifiednone
Finalist Voting points | 1st | 2nd | 3rd |
---|
1 | 0 | 0 | 1 x1 |
Rating type | Overall | Quality | Accuracy |
---|
Entry | 3.84 | 4.00 (3 ratings) | 3.67 (3 ratings) |
| Sa mga tagapagsaling-wika, hindi gaanong alam ang kanilang mga gawain, at hindi nila inaasahan na kikita sila nang malaki. Ang kanilang layunin ay mabuhay lamang. Iilan lang ang tunay na sinanay bilang mga tagapagsaling-wika, ngunit karamihan sa kanila ay may matibay na edukasyon sa kolehiyo at mahusay na kaalaman sa iba't ibang wika, lalo na sa sariling wika. Mayroon akong kaibigang nabibilang sa kategoryang iyon, at nadagdagan pa ang aking mga kaibigan sa pagsasalin ng wika. Napansin ko na mas nakakatuwang kasama ang mga ito bilang mga tao, at natuklasan ko na madalas ay mayroon kaming magkatulad na karanasan sa buhay. Hindi ako kahit kailan nahirapang makipagkaibigan, ngunit palaging nararamdaman ko ang pagiging "iba," at sigurado akong nadama rin nila ito. Nang magretiro ang kaibigan ko, inirerekumenda nya ako bilang kanyang kapalit. Ngayon ay pumasok na ako sa larangan ng Reinsurance, na wala akong kaalaman tungkol dito. Ako rin ang tanging tagapagsaling-wika doon, at wala akong masyadong maaasahan. Gayunpaman, ito ay isa pang hakbang pa... Sa aking bagong trabaho, sinimulan kong tignan ang mga dokumento, nagtatanong-tanong, at pinapayagan ng kumpanya na sumali sa mga kursong pang Insyurans. Ang Kolehiyo ng Insyurans ay nasa kabilang kalye, at nag konsulta ako sa mga batas sa sunog, mga patakaran sa insyurans , at mga katalogo ng pamatay sunog sa kanilang silid-aklatan. Natutunan ko ang mga bagay na hindi ko pa kailanman nagawang gawin noon: ang pananaliksik. Sa unang pagkakataon na kinailangan kong isalin ang isang proposal para sa insyurans ng isang planata ng nukleyar, tumawag sa akin ang pinuno ng departamento na iyon at pinuri ako sa trabaho na nagawa ko. "Nakapantay ito sa aming inaasahan," sabi niya. Anong saya! Ang nangyari ay nag konsulta ako sa isang dokumento sa mga salansan na katulad ng sa tinalakay ko para sa gabay, ngunit nang makita ko na ang aking pinalitan ay gumamit ng salitang "nukleyus" sa halip na "ubod", napagtanto ko na walang silbi sa akin ang mga salansan. Lumabas ako at naghanap sa silid-aklatan ng "planta ng mga nukleyar." Doo'y agad kong natagpuan ang lahat ng mga terminolohiyang kailangan ko. Ngunit alam kong marami pang ibang bagay na kinakailangan upang maging isang magaling na tagapagsaling-wika sa mga panahong ito, syempre. | Entry #35668 — Discuss 0 — Variant: Not specifiednone
Finalist Voting points | 1st | 2nd | 3rd |
---|
0 | 0 | 0 | 0 |
Rating type | Overall | Quality | Accuracy |
---|
Entry | 2.92 | 3.00 (6 ratings) | 2.83 (6 ratings) |
- 1 user entered 2 "dislike" tags
hindi gaanong alam ang kanilang mga gawain | Mistranslations | edna escalante No agrees/disagrees | |
| Non-finalist entries The following entries were not selected by peers to advance to finals-round voting. [...] Ang mga tagapagsalin ay hindi man lamang mabigyan ng pagkilala, hindi sila umaasa na magkaroon ng malaking sahod, ang gusto lang ay maibigay ang nararapat na mga salita. Sa katunayan, napaka-kaunting mga tao lamang ang nahasa bilang mga tagapagsalin, pero marami ang mayroong mataas na pinag-aralan sa kolehiyo at mataas na kaalaman sa mga lengguhe, syempre sa kinalakihang lengguahe. Mayroon akong kaibigan na pareho ang istorya at ang aking mga kaibigan ay dumami upang makasama ang iba pang mga tagapagsalin. Mas naging interesado ako sa mga tao, kag nadiskubreng mayroon rin pala kaming pagkakapareho sa mga pinagdaanan sa buhay. Hindi naman ako nagkaroon ng kahirapan sa paghahanap ng mga kaibigan, pero palagi kong nararamdaman na "may kakaiba" at sigurado nararamdaman din nila ito. Noong nagretiro ang aking kaibigan, inirekomenda nya ako bilang kapalit sa kanya. Pumasok ako sa mundo ng Muling Pagpapaseguro, kung saan wala akong alam. At ako lamang ang nag-iisang tagapagsalin doon, at wala man lang akong mapagtanungan. Pero, ito pala ang hihila sa akin pataas.... Sa bago kong trabaho, nag-umpisa akong tumingin sa mga dokumento, nagtatanong at humingi ng tulong sa kompanya upang ipalista sa kursong pagpaseguro. Ang Kolehiyo ng Pagpaseguro ay nasa kabilang kanto, at kinonsulta ko ang mga batas sa apoy, mga polisiya sa pagpaseguro at mga katologo para sa pamatay-sunog sa silid-aklatan. Natututo ako sa bagay hindi ko natutuhan noon: ang pananaliksik. Ang unang beses na kailangan kong isalin ang iminungkahi para sa mga hangarin ng pagseguro nang isang plantang nuklear, nakatanggap ako ng tawag sa pinuno ng departamento na bumabati sa maganda kong gawa. "Kung ikukumpara sa aming nakasanayan," mungkahi nya. Napakagaling! Ang nangyari ay kumunsulta ako sa isang dokumento sa mga dokumento na pareho sa isa na aking ikinukunsulta para sa patnubay, pero noong nakita kong ang aking hinalinhan ay gumamit nang salitang "nukleo" sa halip na "pundasyon", napagtanto ko na ang mga dokumento ay walang maitutulong sa akin. Pumunta ako sa kabilang kanto at tumingin sa itaas "plantang nuklear." At doon ko napagtanto ang lahat nang mga salita na aking kailangan. Sa panahong ito, isang napakamalaking bagay ang pagiging isang magaling na tagapagsalin. [...] | Entry #35411 — Discuss 0 — Variant: Not specifiednone
Rating type | Overall | Quality | Accuracy |
---|
Entry | 2.88 | 3.25 (4 ratings) | 2.50 (4 ratings) |
| [...] Sadyang hindi nakikilala ang mga tagasalin, hindi sila umaasang kumita nang malaki, rumaraos lamang. Mangilan-ngilan lang ang nagsanay para maging tagasalin, pero karamihan ay may solidong pinag-aralan sa kolehiyo at kaalaman sa mga wika, sa kanilang sariling lengguwahe kahit papaano. Mayroon akong naging isang kaibigan na nasa kategoryang iyon at ang aking grupo ng mga kaibigan ay lumawak upang isama ang ibang tagasalin. Interesante silang tao para sa akin, at nadiskubre kong may pagkakapareho kami ng mga karanasan sa buhay. Hindi ako kailanman nahirapan makipagkaibigan pero palagi kong nararamdamang "kakaiba" ako at tiyak akong ramdam din nila iyon. Nang magretiro ang aking kaibigan, iminungkahi ako bilang kapalit. Pinasok ko ang lupain ng Reinsurance, na walang akong kaalam-alam. Tagasalin din ako doon, at wala gaanong sasandalan. Gayunpaman, isa na naman itong tagumpay... Sa aking bagong trabaho, sinimulan kong tingnan ang mga file, nagtanung-tanong, at nagawang ipa-enroll ako ng kumpanya sa mga kursong pang-Insurance. Nasa kabilang kalye ang Kolehiyo ng Insurance, at kumonsulta ako sa mga fire code, patakaran sa insurance, at katalogo ng mga pamuksa ng apoy sa aklatan. Natutunan ko ang isang bagay na hindi ko nagagawa noon: pananaliksik. Sa unang pagkakataong nagsalin ako ng panukala para sa mga layunin ng insurance ng nuclear plant, nakatanggap ako ng tawag sa pangunahing tao ng departamentong iyon, binabati ako sa trabahong aking ginawa. "Maihahambing sa nakasanayan namin!," aniya. Nakakagalak! Ang nangyari ay kumonsulta ako sa isang dokumento sa mga file na halintulad sa ginagawa ko bilang isang gabay, pero nang makita ko ang aking hinalinhan na gumamit ng salitang "nucleus" imbis na "core," napagtanto kong walang silbi ang mga file sa akin. Tumawid ako sa kalsada tungo sa aklatan at tumingin sa "mga nuclear plant." Dalian kong nakita ang terminolohiya na hinahanap ko. Hindi kasingdali ang pagiging isang mahusay na tagasalin sa panahon ngayon, siyempre. [...] | Entry #35318 — Discuss 0 — Variant: Not specifiednone
Rating type | Overall | Quality | Accuracy |
---|
Entry | 2.80 | 2.80 (5 ratings) | 2.80 (5 ratings) |
- 1 user entered 1 "dislike" tag
lupain | Mistranslations it's not a land, use "mundo" or "daigdig" instead. or "larangan" | Roy Aragon No agrees/disagrees | |
| ... Ang mga transleytor ay hindi nabibigyan ng pagkilala, hindi rin sila unaasasang kumita na malaki para ikabuhay, sapat lang na makaraos. Masyadong kaunting lang na tao ang tunay na nagsasanay para mahasa bilang transleytor, subalit marami sa kanila ay nakapagtapos ng mahusay na kolehiyo at may matatag na kaalaman sa mga lenggwahe, kahit man lang sa sarili nilang wika. Nagkameron ako ng kaibigan na eksaktong tumutugma sa ganitong kategoriya at ang sirkulo ng aking mga kaibigan ay lumawak para isali ko ang ibang transleytors. Nakita ko silang mas nakakaengganyo bilang mga tao, at nadeskubre kong malimit na mayroon kaming mga parehong karanasan. Hindi ako nagkaproblemang magkipagkaibigan, ngunit lagi kong nararamdaman na ako ay "kakaiba" at sigurado akong nararamdaman din nila ang ganito. Nang magretiro na ang kaibigan ko, inirekomenda nya ako bilang kanyang kapalit. Ako ngayon ay sumanib sa larangan ng "Reinsurance", na walang wala akong kaalaman. Ako lang ang tranleytor doon, at wala naman akong pwedeng hingan ng tulong. Subalit ito ay isa na namang pakikibaka... Sa bago kong trabaho, nagsimula kong tingnan ang mga files, nagtatanong ako at nahimok ko ang kumpanya na akoy paaralin ng mga kurso hinggil sa Tagapagseguro. Ang Kolehigo ng Tagapagseguro ay nasa kabilang kalye, at ako ay kumunsulta tungkol sa mga alituntunin hinggil sa sunog, mga batas nn seguruhan at mga katalugo sa pagpuksa ng apoy sa kanilang silid-aklatan. Natuto ako ng mga kaalamang hindi ako nagkaroon ng pagkakataong magawa noon: pagsasaliksik. Sa unang pagkakataon, nagtransleyt ako ng isang mungkahi na ang mga layunin ay ipaseguro ang isang plantang nukleyar. Tumanggap ako ng tawag galing sa pinuno ng departamento, pinupuri ako sa ginawa kong trabaho. "Mas magaling ito kumpara doon sa dati naming ginagamit", sabi nya. Sobrang galing! Ang nangyari noon ay kumunsulta ako sa dokumento sa mga files katulad ng isang tumatalakay para sa alituntunin, pero noong makita ko na ang na ginamit ang salitang "nucleus" sa halip na "core" ng naunang gumawa, natanto ko na ang mga files ay walang kagamitan para sa akin. Ako ay tumawid ng kalye puntang silid-aklatan at hinanap ko ang "nuclear plants." Nakita kong lahat ang mga terminolohiya na aking kailangan. Maraming pang bagay ang kailangang matutuhan upang maging isang magaling na transleytor sa panahong ito, sabagay. | Entry #35831 — Discuss 0 — Variant: Not specifiednone
Rating type | Overall | Quality | Accuracy |
---|
Entry | 2.60 | 2.60 (5 ratings) | 2.60 (5 ratings) |
- 2 users entered 2 "dislike" tags
- 1 user agreed with "dislikes" (1 total agree)
+1 1 transleytor | Spelling use "tagasalin" instead, or just "translator" | Roy Aragon | |
| [...] Hindi masyadong binibigyang pansin ang mga translator, hindi sila umaasa na magkaroon ng malaking kita, basta sapat lang sa pang araw-araw. Napakakaunti lang ng nagsanay bilang lehitimong translator, karamihan sa kanila ay nakapagtapos ng kolehiyo at may matibay na kaalaman sa mga wika, kahit man lamang sa sariling nilang wika. May kaibigan akong iyon ang kategoryang pinasok na siya namang ikinalawak sa pagsama-sama pa ng ibang translators. Mas interesado akong makilala sila bilang mga tao, dahil marami kaming pagkakaparehong karanasan sa buhay. Hindi ako nagkaroon ng problema sa pakikipagkaibigan, ngunit palaging ramdaman ko na "iba" ako at sigurado akong ganoon din ang nararamdaman nila. Nang magretiro ang kaibigan ko, inirerekomenda niya ako bilang kapalit. Ngayon nasa larangan na rin ako ng Reinsurance, na wala akong kaalam-alam. Nag-iisa lang din akong translator doon, kaya wala akong masyadong masandalan. Kahit pa man, ito ang nagsilbi kong hakbang pataas... Sa mga bago kong trabaho, nagsimula akong maghanap sa mga dokumento, magtanong at nagpakuha sa kompanya ng mga kurso sa Insurance. Ang College of Insurance ay nasa kabilang kanto, at inalam ko ang mga fire codes, polisiya ng insurance at katalogo ng fire extinguisher sa kanilang silid-aklatan. Nabigyan ako ng pagkakataon na magawa ang mga bagay na dati ay hindi ko magawa: pananaliksik. Nang unang beses akong magtranslate ng proposal para sa mga layunin ng nuclear plant insurance, nakatanggap ako ng tawag mula sa head man ng departamento, at bumati sa aking magandang gawa. "Mahusay kumpara sa mga karaniwang gawa," sabi niya. Napakagandang balita! Nagawa ko ito dahil tumingin ako sa isang dokumento na katulad noon na ginagamit ko bilang gabay, ngunit nang makita ko nagamit na ang salitang "nucleus" ay pinalitan ko ito ng "core" sa halip, napagtanto ko na walang silbi ang mga dokumento. Tumawid ako sa kabilang kanto papunta sa silid-aklatan at hinanap ang mga "nuclear plant." Agad ko namang nakita ang lahat ng terminolohiyang kailangan ko. Maraming pang mga pagsasanay ang kailangang pagdaanan upang maging isang magaling na translator, natural. [...] | Entry #35833 — Discuss 0 — Variant: Not specifiednone
Rating type | Overall | Quality | Accuracy |
---|
Entry | 1.90 | 2.20 (5 ratings) | 1.60 (5 ratings) |
- 1 user entered 40 "dislike" tags
Napakakaunti | Mistranslations Kakaunti | NesPaj232956 No agrees/disagrees | |
na siya namang ikinalawak sa pagsama-sama pa ng ibang translators. Mas interesado akong makilala sila bilang mga tao, | Mistranslations | NesPaj232956 No agrees/disagrees | |
Mas interesado akong makilala sila bilang mga tao, | Mistranslations | NesPaj232956 No agrees/disagrees | |
inirerekomenda | Mistranslations | NesPaj232956 No agrees/disagrees | |
translator | Spelling transleytor | NesPaj232956 No agrees/disagrees | |
masyadong masandalan | Mistranslations gaanong maasahan | NesPaj232956 No agrees/disagrees | |
maghanap | Mistranslations maghalungkat | NesPaj232956 No agrees/disagrees | |
magtanong | Spelling nagtanong tanong | NesPaj232956 No agrees/disagrees | |
magtanong | Mistranslations nagtanong tanong | NesPaj232956 No agrees/disagrees | |
nagpakuha sa kompanya ng mga kurso sa Insurance | Mistranslations at nahimok ko ang kompanya na ipasok ako sa mga aralin ukol sa pagseseguro | NesPaj232956 No agrees/disagrees | |
fire codes | Mistranslations alituntunin ukol sa sunog | NesPaj232956 No agrees/disagrees | |
polisiya | Mistranslations patakaran | NesPaj232956 No agrees/disagrees | |
insurance | Mistranslations insyurans | NesPaj232956 No agrees/disagrees | |
fire extinguisher | Mistranslations pamatay sunog | NesPaj232956 No agrees/disagrees | |
Nabigyan ako ng pagkakataon na magawa ang mga bagay na dati ay hindi ko magawa: pananaliksik | Mistranslations Natutunan kong gawin ang hindi ako nabigyan ng pagkakataon na magawa noon: ang pagsasaliksik. | NesPaj232956 No agrees/disagrees | |
magtranslate | Mistranslations magtransleyt | NesPaj232956 No agrees/disagrees | |
proposal | Mistranslations mungkahi | NesPaj232956 No agrees/disagrees | |
head man | Mistranslations namumuno | NesPaj232956 No agrees/disagrees | |
departamento | Mistranslations kagawaran | NesPaj232956 No agrees/disagrees | |
bumati sa aking magandang gawa | Mistranslations ako ay kanyang binati para sa aking nagawa. | NesPaj232956 No agrees/disagrees | |
"Mahusay kumpara sa mga karaniwang gawa," sabi niya. Napakagandang balita | Mistranslations “Kung ihahambing sa nakasanayan na namin,” sabi niya. “Ito ay di hamak na mas mahusay.” | NesPaj232956 No agrees/disagrees | |
Nagawa ko ito dahil tumingin ako sa isang dokumento na katulad noon na ginagamit ko bilang gabay | Mistranslations Ang nangyari kasi noon, ako ay sumangguni sa mga kasulatan na kahalintulad ng aking ginagawa, para sa kaukulang gabay | NesPaj232956 No agrees/disagrees | |
nagamit na ang salitang "nucleus" ay pinalitan ko ito ng "core" sa halip, napagtanto ko na walang silbi ang mga dokumento | Mistranslations na ang transleytor na nauna sa akin ay gumamit ng salitang “nucleus” sa halip na “core”, napagtanto ko na ang mga kasulatan ay walang halaga para sa akin. | NesPaj232956 No agrees/disagrees | |
papunta sa silid-aklatan at hinanap ang mga "nuclear plant." Agad ko namang nakita ang lahat ng terminolohiyang kailangan ko. | Mistranslations Tumawid ako ng kabilang daan at pumunta sa silid-aklatan doon, at sinaliksik ko ang “nuclear plants”. At dali-dali kong nahanap ang mga tamang salita na aking kailangan. | NesPaj232956 No agrees/disagrees | |
Maraming pang mga pagsasanay ang kailangang pagdaanan upang maging isang magaling na translator, natural | Mistranslations Kagalingan na mas higit pa diyan ang kinakailangan upang maging mahusay na tagasalin-wika sa panahon ngayon, siyang tunay | NesPaj232956 No agrees/disagrees | |
| | | | | X Sign in to your ProZ.com account... | | | | | | ProZ.com translation contestsProZ.com translation contests offer a fun way to take a break from your normal routine while testing and honing your skills with fellow translators.
ProZ.com Translation Contests. Patent pending. |